ang dami nang napupulot ng mga kabataan sa telebisyon. lalo na yang JELLYFISHER na yan. naloka ako ng marinig kong sabihin sa'kin ng pamangkin kong si Leo ang tungkol jan.
(nanonood si Leo ng catdog nang may butterfly na pumasok sa loob ng bahay. pinipilit ni Leo na habulin yung butterfly.)
Ninang Nyx: hayaan mo na yan.
Leo: eh gusto kong hulihin eh.
Ninang Nyx: hindi mo mahuhuli yan. mahirap hulihin yan.
Leo: eh basta.
(patuloy sa paghuli ng butterfly si Leo. hanggang sa pumasok na ulit siya ng bahay.)
Ninang Nyx: o ano, sabi ko sa'yo mahirap hulihin yan eh. kulit kulit mo.
Leo: dapat kasi may jellyfisher ta'yo eh.
Ninang Nyx: Ano yun?
Leo: jellyfisher!
Ninang Nyx: ano nga yun?
Leo: yung panghuli.
Ninang Nyx: ng ano?
Leo: ng paru-paro.
Ninang Nyx: hindi panghuli ng butterfly yun!
Leo: panghuli yun! yung yung ginagamit ni Spongebob eh.
(natawa na lang yung tatay ko.)
Papa: oo nga naman. yun nga naman kasi yung ginagamit ni spongebob. si ninang kasi hindi alam.
Leo: hindi ka kasi nanonood ng spongebob eh.
Ninang Nyx: oo nga eh. sorry naman.
Leo: okay lang yun Ninang Nyx. sa susunod manood ka na para alam mo na. ha?
Ninang Nyx: Yes Kuya Leo.
tae, napagalitan pa ako ng PAMANGKIN ko. dahil sa lecheng JELLYFISHER na yan. hayuph!! kaya kayo, kung ayaw niong mapagalitan ng pamangkin o ng nakababatang kapatid nio, manood na rin kayo ng mga pinapanood nila. ang lagay eh, AKO pa pala ang wala sa USO. amph!!
No comments:
Post a Comment