Monday, February 28, 2011

Just to patch things up..

I have a lot to tell. A lot to say. And dami. Sa tagal ko nang hindi nakapag-post dito, marami na ring nangyari sa buhay ko. Matagal-tagal rin yun. Huli ko yatang post dito eh nung graduation ko. Owel, that's expected (nag-buhat ng sariling upuan). HAHA! :D

Let's start nung August.

Nagkatrabaho ako. Callcenter agent. Sabi ko nung nag-aaral pa ako, last option ko yun. And I ended up working in Convergys. First Job. And not bad. Short time Big time na trabaho. Oo, malaki sahod. At masaya ang environment. In a day, you get to greet and meet a hundred people sa floor. So umarangkada na naman ang pagiging Ms. Friendship ko. HAHA :D Magiiba body clock mo. Tulog sa umaga, Trabaho sa gabi. Okay rin naman. Walang traffic. HAHA :D Pwede ka pang gumala sa umaga. Lalo na pag sweldo day. HAHA :D

I lasted 6 months. And sa anim na buwan na yun, maraming nangyari sa pamamalagi ko sa CVG. Met new friends, new faces, new people. Went to a lot of places. Antipolo in particular. HAHA :D I learned and discovered a lot of things. And learned from them. And still learning. I was able to establish good friendship with a lot of people, especially with my Dream Team.

I learned the life of a call center agent. Mahirap. Pero masaya. Para ka lang rin nagaaral. In my case, meron akong teachers at classmates. Masaya, enjoy. Pero kailangang seryosohin. Gaya ng sabi ko, para lang rin nasa school. May mga Metrics na kailangan mong ipasa, at kung ano ano pa. Bottomline: Nag-enjoy ako sa pagiging call center agent :) Maraming factors kung bakit ko siya naenjoy.

Highlight: I fell in love. Yes, i do. Fell in love at the wrong time. At the wrong situation. Pero para sa akin, wala akong pakialam. Mahal ko eh. Masaya ako. Kiber kung kanino pa ako nainlove, kung ano sitwasyon namin at kung ano ano pa. At mas lalong wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa akin, sa amin, at sa kung anong meron kami. Hindi naman sila yung masaya eh, hindi naman sila yung nasa sitwasyon namin. So, manahimik. :))

Owel, ngayon, wala akong trabaho. Nagaapply ako sa iba't-ibang call center companies. Hopefully matanggap na ako sa Accenture. yep, CALL CENTER PA RIN. haha :D sabi naman sa inyo, nagenjoy ako. So hopefully, hopefully. Matanggap ako.

I'm not encouraging you guys to try. It's up to you. Base kasi sa naranasan ko, masaya. Enjoy. Nakakapagod, Oo. Wala namang madaling trabaho eh. Okay naman siya. MASAYA :))

Happy Ending

Who believe in Happily Ever After?

Me.

Yes, I do. Why not? It's still possible. It happens. Hindi nga lang madalas or kung mangyari man, bibihira lang. Bilang na bilang kung sino nakaranas na ng Happily Ever After. Hindi ako bitter. Nagsasabi lang ng totoo.

And besides, naniniwala naman ako sa Happily Ever After eh. At oo, umaasa ako na mararanasan ko rin ang isang Happy Ending. Umaasa. Hoping. But I'm not expecting. Kapag nagexpect ka at hindi naman nangyari, masasaktan ka lang. Tama na yung umasa. Kesa naman mag-expect. Wala namang masama kung umasa ka. At least, you still have an open ming that it might happen. Or not.

Sunday, February 27, 2011

anong petsa na :))

Ngayon na lang ulit ako nag-post dito ah. After how many months. And I need to patch things up. Maraming kwento, maraming chismis, maraming balita. Nagkatrabaho na ako at lahat, ngayon lang ako nag-post. HAHA!

Na-miss ko toh ng sobra. I have to update my page na rin as well. Yung picture, yung theme, lahat na! Update, update, update!

I will be doing the "update" real soon. Not now, I have to gather my thoughts pa :))

Just want to make sure kung okay pa itong blog ko. Ang blog kong walang kwenta. HAHA! :D I will visit this next time to update. HAHA :D

See ya soon :)) Expect more of me.