Saturday, November 7, 2009

officially enrolled ;)



last november 4 was my last experience of enrollment for my entire life. at nakakaloka, yung huling enrollment ko na yun sa buong buhay ko, puro hirap ang naranasan ko. coz i thought everything would be fine. but it was not.


unang una, inabot ako ng isang oras sa LRT 1. umuulan kasi. kapag ganun, expect mo nang magkakaaberya ang mga tren. from EDSA hanggang D. Jose, isang oras talaga ako sa loob ng tren. pagdating kong D. Jose, hindi ako makalakad. buong isang oras na yun kasi, nakatayo lang ako at sobrang lamig pa sa tren. hindi ko maigalaw yung paa ko. at dahil yun sa ulan.


sumunod, hindi tinanggap yung cheke na ipambabayad ko sana. matapos kong pumila ng dalawang oras dun, pagdating ko sa cashier, hindi naman pala tatanggapin. nung first year kasi, nagBounce yung cheke na binayad ko, napalitan naman kaagad. pag ganun palang may record na na nagbounce ang cheke mo, hindi na tatanggap ng chekeng pambayad mula sayo.


isa pang problema, Nov. 4 ko na rin kailangang bayaran yung tuition ko. wala akong cash na dala! so, pumila ulit ako ng dalawang oras para magpa-reprocess. sabi kasi sa cashier, once na mag-add ako ng subject, mapapalitan na yung expiration date ng reg form ko. good thing ndi ko pa naiaAdd yung OJT ko. so pag naAdd ko na yun, mapapalitan na yung date, and i can pay the next day.


naayos ko na yung OJT ko. mabilis lang. nasa mood si sir igme that time. buti naman. hindi gaanong nagkaproblema. everything was going out well, naAdd ko na rin yung OJT. i'm about to go home, because i have to go back the next day to pay for my tuition. until i saw my marketing friends at nakaprint na yung reg form nila. inggitera ako, nagpaprint na rin ako. ANOTHER PROBLEM!! Nov. 4 pa rin yung date!! wala akong dalang cash.. what am i gonna do??




but still, God's very good..


Loue, my marketing friend lend me 6,500 para makapagbayad na ako.. buti na lang talaga andun siya, dahil kung hindi, nasayang yung napakagandang sched nainencode ko. sobrang laking pasasalamat ko nun.. kaya lang, past 6 na. buti na lang may bukas pang cashier, so i was able to pay..


ang bait talaga ni Lord. hindi niya ako pinabayaan. ginawa niyang instrument si Loue para matulungan ako sa problema ko. at thankful talaga ako that day.. SUPER THANK YOU!!!




Sunday, November 1, 2009

basketball..



nasa cavite kami kahapon. birthday kasi ni Dale. Clans of Gunio, Pagharion and Acevedo were there yesterday. first time ko sa bahay nila Brad, hahaha! at ayos naman bahay nila, sa Avida.


at since walang magawa ang mga boys, basketball galore sila. yung una, 3 on 3. sila Dus, Wes, Ace vs. Brad, Luke, Johanne. kami ni Dale, audience. laughtrip ang laro nila. kanya kanyang representative - Mapua, CEU-Makati, DLSU-Dasma, Don Bosco Makati. mahusay si Wes, *clap clap*


next game nila, kasama yung mga friends ni Luke. so, Dus, Wes, Ace, Brad and Luke vs Friends of Luke. ndi ako mashadong makaConcentrate sa panonood dahil tinatawag na ako ng washrum. pero ayos lang, nakikita ko rin naman yung mga mahuhusay na shoot nila. ang pinakamalufet, kay Ace.


Dus: Ace, tira ka. bibigay ko sayo yung bola, blah blah blah.
Ace: Haha, Baka maElibs sila.
Nyx: Waw ah. Ang hangin!!


nung andun na sila sa kabila, nagdidribble na si Dus. hinahanap ko si Ace. andun siya nakapwesto sa may 3-point boundery. pinasa ni Dus, tinira ni Ace, at na-Shoot! pu****ina! naElibs talaga ako!! hahaha. kumpara sa dalawa niyang kapatid, maliit si Ace. pero sa lahat ng naglalaro nung gabing yun, siya lang ang nakaTres. haha, elibs talaga ako. mahusay si Ace, nakakatuwa. ayos din naman yung laro ni Dus, Luke at Wes. si Brad pinulikat ata.


mahusay yung mga Friends ni Luke. sabi nga ni Dus, "magagaling ang mga bata." nagpaSub na si Dus, may appointment pa kasi kami kay Ate Rolin. hindi ko na alam kunsino nanalo sa kanila.


Dale, Happy Birthday!