unang post ko toh sa buwan ng abril (naks!) hahaha. magkukwento lang naman ako eh.. as usual..
anyway, napansin ko lang kahapon na marami pala kaming similarities ng nanay ko.. isa na dun ang hilig sa pagkain, volleyball, at sa mga lalaki (huwaat?!)
speaking of pagkain, mahilig kami sa Lays na potato chips.. makakabili lang kami nun kapag meron kaming ipon na pera kasi mahal yung Lays na yun eh. kaloka. pero masarap naman siya. ang gusto naming flavor eh yung plain lang. isa pa sa pareho naming kinahihiligan eh ang siomai. kapag dadaan akong office nya, at kapag may pera pa ako, bumibili ako nun at bibitbitin ko sa office para lafangin namin.
sa volleyball naman, pareho naming hilig yan. dumayo pa kami sa The Arena sa San Juan para lang makapanood ng live na volleyball eh. shempre hindi mapapalampas ang pagpapapicture niya kay Suzanne Roces. hahaha. at, pinapirma ko pa si suzanne sa likod nung picture nila ni mama at binigay ko yun sa nanay ko as a birthday gift ko para sa kanya. (hehe, sweet!)
sa mga lalaki naman, (may ganun?!) pareho naming gusto ni mama si Michael Cruz (singer siya, mapapanood nio sha sa Singing Bee) at si Gio Alvarez (kasama siya sa You Change My Life nila Sarah at John LLoyd). yung si Michael, juding yun. pero ok lang naman, cute naman sha ih. haha! si Gio, yun talaga ang gwapo (sa tingin namin ng nanay ko) hahaha!!
gaya nga ng sinasabi ng ibang tao saming dalawa, magNanay nga daw talaga kami. hahaha!! :)
No comments:
Post a Comment