Saturday, February 28, 2009

johanne

ikaw.

happy birthday din.

hindi naman nya birthday ngayon. at hindi rin naman nya birthday kahapon. mas lalong hindi nya birthday bukas. hahaha! ang batang ito, tuwing leap year lang nagcecelebrate ng birthday. kaloka, february 29 sya nipanganak. astig.

kaya ikaw.

magpapakabait ka. huwag sasagot sa mga matatanda. kahit ingliserong palaka ka, matuto kang magtagalog. haha! siguro naman napapansin mong nahihirapan ang mga katulong niyong kausapin ka diba? hahaha.

well, hindi mo man mabasa toh, at kung mabasa mo man ay hindi mo naman gaanong maiintindihan, binabati kita nga Happy Birthday!

Be a good boy.

happy birthday ninang!!

kaarawan nya ngayon. at bonggang bongga ang celebration ng birthday nia. with catering services ang drama. afford naman nya eh. at as usual, napuno na naman ang tahanan nya ng mga kamag-anakan namin from all over the country! haha. kaloka. ndi naman gaanong kalakihan ang bahay. na-accomodate naman.

sya nga pala ang nagpapaaral sa'kin. kaya napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. kaya pinagbubuti ko pagaaral ko sa abot ng aking makakaya.

kaya ninang, hindi mo man mabasa ito, binabati kita ng Happy Birthday! at maraming maraming salamat. sa lahat.

ang huling el bimbo

*shocked*

ako'y may natuklasan.
ang crush ko, jowa na nia ang isa sa mga kaibigan ko.
well, highschool days.
akshuli, sa multiply ko lang nalaman. chaka sa fs.
amp.
di bale, crush ko lang naman sha eh, keri lang yun. marami pa ja. nyahaha!

well, bakit huling el bimbo? yan ang tinutugtog ni Wes habang ginagawa ko tong blog na toh. kakainis. parang mejo slight na sumakto yung song sa mga happenings. the good all days. ay na'ko! ang emo. turning back time. looking back at the past. ampootah.

katext ko pa ngayun. ay talaga naman!

j*taj

salamat sa pagtulong para magkaroon ako ng tagboard. hehehe! sa wakas, nagkaroon na rin. hahaha! kainggit kasi yung mga blog nio eh. ambobongga.

salamat ulit jtaj!! mwamwa!

Pak's

alam kong lahat kayo, naguguluhan na. hindi makapagisip. namomroblema. akshuli hindi ko maisip na magkakaganyan kayo, sa accounting. hindi ko akalaing sa layo na ng narating nyo, biglang na lang natumba.

kung binabalak niyong lumipat ng school para maipagpatuloy nyo ang accounting, go lang. kung yan talaga ang gusto nyo, susuportahan ko kayo. at sa mga magshi-shift, go lang din. kung sa BA pa rin kayo, magkakasama din tayo sa EV :) hindi man halata, andito lang ako parati sa likod nyo. may hawak na pom-poms, handang magcheer para lumakas ang loob nyo.

magdasal lang parati. wag isipin ang mga sinasabi ng mga ibang tao na hidi naman makakatulong sa inyo. sundin ang sinasabi ng puso at kung anong makabubuti para sa inyo. dumarating talaga nag mga unos sa buhay. gaya nga ng sabi ni josette, "kapit lang"

andito lang lagi si nyx para sa pak's

Tuesday, February 24, 2009

sakit

ang samang ng pakiramdam ko..

nung una, nagpabunot ako ng ngipin. eh di okay na, kasi ndi na sumasakit yung ngipin ko. at bago pa ako magprepare para pumunta kila glenn the next day, bumuka ng bonggang bongga yung bagang ko. eh di balik na naman kaming dentista ni mama. ang tagal! sobra. daming nakapila. 4pm ako nagpunta dun, 4:45 na ako naasikaso. hindi na rin ako nakapunta kila glenn.

nung linggo, ubo't sipon ang inabot ko. ewan ko kung bakit. well, may ubo naman na talaga ako. feeling ko nga pagaling na ako eh. tapos sipon naman. kinagabihan, nilagnat na ako. peste.

ang pinakaayaw ko pa sa lahat, ang dami kong iniinom na gamot. merong gamot para sa ngipin, sa ubo, sa sipon at sa lagnat. kainis! ang hirap lunukin lahat nun ah. di pa ako makabangon sa kama

kaya ndi ako nakapasok ngayong araw. tapos eto, inutusan pa akong mag-type ng tatay ko. ayos noh? nilalagnat na nga yung anak nya, nagawa pa nyang utusan. mahusay! buti ndi ako inutusang magluto ng uulamin namin ngayong gabi.

*badtrip*

Saturday, February 21, 2009

ang hirap mag-ayos ng blog!

jtaj: salamat sa tulong.. kahit ndi ko naman gaanong nasunod yung mga sinasabi mo, hahaha! ang hirap kasi, nakakahilo pa.. next time na lang siguro, kapag may time na lang ulet.. salamat ulit jtaj.. mwamwa!! next time, patulong maglahay ng tagboard.. hehehe!!

pupunta na nga pala ako mamaya kila glenners.. makikilafang kahit bagong bunot yung ngipin ko, haha! yun nga lang, bawal uminom at makiHits..

pak's: see you later! kahit yung iba ndi naman makakapunta, hehehe!!

Friday, February 20, 2009

happy birthday glenn!!

maligayang bati sa iyong kaarawan glenn!!
akshuli, habang ginagawa ko yung post na toh, nagpapractice na ako ng sasabihin ko sa parents ko. ilang gabi na rin kasi akong late umuuwi eh. pero susubukan ko pa rin. para sa'yo. birthday mo eh

salamat sa pagiging mabait mo sa pakwans. sa mga libre mo sa amin, hehe! sa susunod ulit na panlilibre ah..

happy birthday!! magiingta ka parati. stay healthy, and God bless!

first post

yey!
may blog site na ako!! nakakatuwa naman.. first time..
yung isa ko kasing blog, sa multiply account lang.. ay hindi naman sha famous sa Pak's kaya gumawa ako para 'in' na rin ako.. :)

wala akong masabi, natutuwa lang ako't mat blog na ako.. (hindi ba halata?) :)

Pak's: eto na, meron na akong blog

J*taj: patulong naman mag-ayos ng layout, hehehe!!