I don't wanna discuss this (as much as possible) with my friends, or if they want, I'm here to listen naman. Last May 5, we actually planned to visit my friend who gave birth to a baby girl. The three of us met at SM North, had a quick lunch at Tokyo Tokyo. Suddenly, there was a heavy downpour. Edi ano pa ba, nagka-tamaran na. We watched a movie instead :))
We stayed at KCC (Acronym lang yan. I forgot the name talaga.), had a little chitchat about boys and lovelife. One of my friends has a crush with this guy at work kasi and dun umikot yung usapan. Hanggang sa yung isa ko pang friend ay nag-open na ng nangyari sa kanya when we're in college.
I don't wanna elaborate more. Umiikot ito sa PANLOLOKO. That's the only time we talked about it since it was revealed to everyone in our group. I barely know about it. I know it 'existed' but that's it. I don't know anything behind the curtain. I never thought na magagawa yun ng taong tinuring naming kaibigan lalo pa dun sa dalawa na mas close sa kanya. Gaya nga ng sabi nung isa, "Paano kaya siya pinalaki ng mga magulang niya?"
Tama lang siguro yung mga sumpang ibinibigay sa kanya ng mga kaibigan ko. Yung isa, halos tatlong taon niyang niloko. Yung isa, higit isang taon. &^$%^*$!! Nagawa niyang manloko sa mga taong hindi mo iisiping gagawan mo ng masama. As far as I can remember, hindi nila ginawan ng masama yung %$&*^$ manlolokong yun. Grabe talaga.
Mai-share ko lang naman, hindi mo naman kasalanan kung sakaling itakwil ka ng mga kaibigan mo, given na ipinaalam/ipinakita mo ang totoong ikaw. Gaya ko, inamin ko naman sa kanila na nagkakagusto ako sa babae pero KAIBIGAN pa rin nila ako. Hindi mo pa kailangan mag-sinungaling/manloko para lang tanggapin ka ng mga kaibigan mo. Kaya nga kaibigan ang tawag sa kanila. Hindi mo na problema yun kung may issue sila sa pagkatao mo.
11 kaming magkakaibigan sa grupo. 10 ang nawala sa kanya. O diba? Halos apat na taon kaming magkakaibigan. Nagawa niyang lokohin yung dalawa, malaki ang nawala sa kanya. Dahil sa kasinungalingan at panlolokong ginawa niya.
"Accept everything about yourself -- I mean everything, You are you and that is the beginning and the end -- no apologies, no regrets."