Sunday, March 29, 2009

batangas trip


ayan. jan kami sa nasugbu nagpunta. bago pa kami makapunta sa resort mismo, nag-stop over muna kami sa tagaytay dahil hinintay pa namin sila bradley. mga 20 minues rin kaming nandun. nung nakarating na sila, gora na ulit kami s a batangas. potek, nagkaligaw-ligaw pa kami. nakarating pa nga kami sa bahay nung mayor. hahaha!

11:05 am
nung nandun na kami, lumafang kami agad. sobrang gutom eh. walang nagsasalita. kain kung kain. at ang mga matatanda, naginuman kaagad. ako, natulog. napagod rin naman ako sa apat na oras na pagkakaupo. nagising ako ng mga ala-una. kain ulit, tong-its, naglakad sa baybaying dagat.

4:00 pm
dumating na sila tito gam. astig. bagong kotse, at certified driver na. bongga. simula makati, hanggang batangas nakapag-drive siya samantalang kelan lang siya natutuong mag-drive. sa bagay, mas ok naman mag-drive sa slex na dere-derecho lang naman ang daan na kesa naman sa edsa eh merong ka naman kasabay na mga balahurang bus na kahit dere-derecho ang daan eh nagiging baliko dahil sa kanila. mabubwisit ka lang. anyway, mega cheer ang lahat para kay tito gam. astig. congrats toto!

6:00 pm
naligo na kami sa beach. sinadya talaga naming maligo dun sa hapon para wala nang araw. at para hindi rin kami umitim. at kaunti na rin ang mga tao nang oras na yun. lasing na ang mga tao. ang ingay. hanggang bewang lang naman ang binasa ko. mahirap kasing mabasa ang buhok. malagkit na, tapos may mga buhangin pang makikijoin. badtrip kaya yun.

kinabukasan...

ang aga naming nagising. 6am pa lang, gising na ang lahat ng tao. gora ulit sa beach. gumawa ng sandman Jelo care of bradley. tapos kumain na ng tanghalian. 2pm, umalis na kami. nakisakay ako sa kotse ni toto. astig talag. umoovertake sa isang truck at isang kotse simultaneously. bongga. mga 5:30, nasa moonwalk na kami to attend Lara's birthday. by 6:30, umuwi na kami nga kapatid at pinsan ko ahil may praktice pa daw sha ng grad nia. 8pm, nasa bahay na, at natulog.

bow.

1 comment: