Saturday, March 24, 2012

All good things will NEVER come to an end

Tatlong bagay:

UNA.
Malaki ang nakuha kong sweldo nung nakaraan. Oo. Malaki talaga. Kaya ako nakabili ng laptop para sa sarili ko. Matagal ko na talagang gustong bumili ng laptop. Oo, nakakapag-ipon na ako, pero ayoko sana siyang galawin para lang sa laptop. Bilang may bonus ako galing sa ACN dahil mataas ang nakuha kong rating sa trabaho, sumweldo ako ng malaki at nabili ko na rin ang minimithi kong laptop.

PANGALAWA.
Nung March 21, isang taon na ako sa ACN. Yes, nakatagal ako ng isang taon. Ang bilis ng panahon! Ang saya lang. Yun nga lang, di ko alam kung makaka-tagal ako ng isa pang taon. Sana lang. SANA. Pero di ko pa muna iniisip yun sa ngayon. Let's take it one step at a time. I WILL TAKE IT ONE STEP AT A TIME. :)

PANGATLO.
Yung naibibigay ko na yung mga gusto ng pamilya ko at nagagawa ko na yung mga bagay na gusto ko dahil sa trabaho ko. Kaya na naming mabili kahit ano. Ang sarap sa pakiramdam. Pagkain, damit, kahit ano! Pwede na. Gusto ko yung ganito. At sisiguraduhin kong palagi na lang ganito. :))

Thursday, March 8, 2012

Summer Lovin'

Nararamdaman ko nang summer na talaga.

Unang-una, sa gabi ang pasok ko at tulog ako sa umaga. Pero, PERO... Nagigising ako sa kalagitnaan ng aking pagkahimbing dahil sa matinding kainitan ng panahon. Napuputol ang meme ko at nahihirapan nang matulog ulit.

Pangalawa, actually, kahit gabi na, mainit pa rin! Nakakaloka. Buti na lang may aircon sa opisina. Kahit papaano nakakaramdam ako ng lamig.

Pangatlo, andami nang nagpaplano kung saan magandang magpunta this summer. Haaaay. Wala akong plano this summer. So kung may magyaya na lang, edi gora! Wala pa naman akong naririnig mula sa mga kamag-anak ko, kaya wala pang plano. Usually, sila lang naman kasama ko pag summer na.

~I miss the days when summer vacation was about relaxing and hanging out with friends. Now it's all about working and squeezing your friends in when you can.

~Summer romances begin for all kinds of reasons, but when all is said and done, they have one thing in common. They're shooting stars, a spectacular moment of light in the heavens, fleeting glimpse of eternity, and in a flash they're gone. ~ The Notebook (movie)

Thursday, March 1, 2012

Movies

1. The Vow
Channing Tatum and Rachel McAdams

Me, Josette and Jhen watched the movie during Valentine's Season, so basically, the two are my valentine's date.
Maganda yung movie, nakaka-iyak, nakakatuwa, nakaka-touch. Naiyak ako bigtime. Eto kasing si Channing Tatum e. Nakakatuwa yung mga tipo ng lalaking pino-portray niya sa movie.
What happened is, yung wife niya lost her memory due to a car accident and the paggising ni Paige (wife) di na niya maalala si Leo (portrayed by Channing Tatum). But leo did not give up. Kahit parang halos layuan na siya ni Paige, di siya nag-give up -- Leo went to Paige's family gatherings na di naman niya talaga ginagawa, and basta, gumagawa siya ng ways para bumalik yung alaala ni Paige.
Hanggang sa di na kinaya, sumuko na rin. Matagal silang di nagkita. They did their own things separately. And then one day, they met at this restaurant where Paige previously worked, and they were able to work things out.
Nagkabalikan sila, they had two kids, but Paige weren't able to bring back her memory.

(Sorry kung magulo yung pagkakakwento ko.Ü)



2. ÜnOfficially yours
Angel Locsin and John Lloyd Cruz

Ang first part ng movie, S** scene. Yep!! HAHAHAHA!!Ü Nakakaloka. I've actually never seen JLC on any movie na ganun ang eksena. Ang awkward lang, pero di naman siya OA. Mackie (JLC's character) and Ces (Angel Locsin's character) are totally strangers when they met and had S**. And then when Mackie is applying as a writer in a newspaper company, that's where he met Ces.
In between, yeah their doing their thing but eventually, Mackie fell in love with Ces, na afraid naman itong si Ces kasi she was once fell in love with a guy na iniwan naman siya. Takot na siyang mainlove. Well, syempre movie naman yun, so, eventually nagkainlaban at nagkatuluyan sila.
Ang nakakatuwa, yung part na kumakanta si JLC habang nag-gigitara after they had their thing.
"Itanong mo sa akin, kunsino aking mahal.. Aaaaaah Haaaaaaa Ahhhhhh.."
Ang sweet lang :P Parang Friends with Benefits and drama nila. They tried to control their feelings but ended up falling in love with each other.


-- Next Movie: 21 JUMP STREET
Yung review ko, siyempre chaka na kapag napanood na namin. Wala pa kaming date kung kelan kami manonood eh. Will follow-up on it you guys!! (Akala mo naman maraming nagbabasa. :P)

xoxo,
Nikki