sa wakas.
natapos ko na lahat. research, problema sa kagrupo, pagkainis sa mga tao, pagkairita sa sarili. nalimutan ko na lahat. moved on.
napirmahan na yung plan namin ng mga panelist. nakapag-present na ng research work sa McDonalds' at natuwa naman ang prof namin sa presentation namin. ang natitira na lng, final exams. keri na yun. konting aral lang (yup, konti lang, napapagod na kasi ako eh). wish ko lang pasado ako sa mga subjects ko. puta, kahit tres lang. ayos na sa'kin. wala na akong pakialam. basta matapos na toh.
eto yung pinakamahirap na semester para sa'kin. puro trabaho. puro research. at ngayon lang ako naka-miss ng 2 quizzes sa isang subject dahil sa defense ko. magkasunod yun! potek. ewan ko kung anong mangyayari sa'kin sa sunbject ko na yun. at, halos 2 linggo kong ndi nakasama ang Pak's. (namiss ko kayo. well, alam nio yan!)
salamat nga pala sa pag-cheer nio sa'king lahat. sa power hug ni Shai. at kay Bro. haha! kay dustin (potek, special mention) na nag-tag dito sa blog ko. nga pala, kung gusto mo nang latest scoop ng buhay ko, bisita ka lang dito :) marami kang masasagap na chismis.
sa susunod na semester, patayan na naman. bahala na ulit. masasanay rin ako. ngayon ko lang napagtanto, sa research iikot ang mundo ko. kaya ngayon pa lang, sasabihin ko na sa Pak's, next sem, baka mas lalong konti na lang ang mga oras na magkakasama tayo (andrama!!) get ready. alam kong mamimiss nyo ako! haha, well, alam nio yan! pero syempre, gagawa ako ng paraan. matitiis ko ba naman kayo? sus.
gaya nga ng sabi ko sa previous entry ko, magpapakasaya na ako. iinom, gagala, at yun na. sasamahan nyo ba ako? :)
No comments:
Post a Comment