Tuesday, March 17, 2009

pagod

nakakapagod na..

pagod na akong mag-isip. magsulat. mag-aral. mag revise. mag research. magpuyat (yup, nagpupuyat na ako). at makisama sa mga taong ayaw naman makisama sa'yo.

nakakapagod gumawa ng research na alam mong iilan lang kayong gusto nang matapos na lahat. nakakapagod umintindi sa mga taong idinadamay ka pa sa mga problema nila. at pagtapos mong pagbigyan, hayaan at huwag ngaragin sa punyetang research plan na ginagawa mo, eh magsisinungaling pa sa'yo at dadramahan ka pa. pagtapos kumalat ang balita, chaka lalapit sa'yo at hihingi ng tawad at magmakaawang ibalik sha sa grupo. ang lagay eh, kami pa ang napasama ang imahe. punyemas. kung ganun lang din ang mga tao, eh tigilan na natin itong kalokohan na toh. marunong din naman akong mapagod. kung wala lang akong mga kagrupo, ayos lang magpabaya ako. pero kahit papano, may dumedepende rin naman sa akin, at ayaw kong ilagay sila sa alanganin.

pagtapos ng lahat ng ito, magpapakasaya na ako. gagala ako. iinom. kakain. at, yun na. sana naman maganda na ang maging resulta. sana, worth it na lahat ng pagod na ibinuhos ko sa plan na ito. ndi ako pasensiyosong tao. ndi rin naman ako masipag. at lalong ndi ko tinataglay ang katangian ng pagiging leader. pero kung kinakailangan, ginagawa ko naman ang trabaho ko.

para kay Bro, pakinggan mo na yung dasal ko this time. napapagod na kasi talaga ako. tama na muna. babagsak na ang katawan, utak at espirito ko. next time na lang ulit. gusto ko na talaga siyang matapos. please. babawi naman ako sa'yo sa susunod. siguro hindi lang ako ready sa mga ganitong bagay. alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin. sana ma-approve na siya. please.

No comments:

Post a Comment