malapit na. konting hinga na lang. konting tumbling. konting hirap. at tapos na.
sa wakas. malapit nang magbakasyon. makakahinga na rin ako ng maluwag. makakatulog na rin ako ng mahimbing. pwede nang tumambay sa kalye. pwede nang gumising ng tanghali. pwede na ring maglaba ng tatlong beses sa isang linggo. pwede nang gawin ng lahat ng gusto ko. hahaha!
sa sabado, pupunta kaming nasugbu batangas kasama ng mga minamahal kong kamag-anak. graduation na rin pala ni wesley. sa susunod na sabado, graduation na rin ng kapatid ko. at long last, college na siya. at sa susunod na taon, graduate na ako ng college. pero bago pa natin pagusapan ang mangyayari sa susunod na taon, yung ngayon na muna. gusto ko na kasing maglagalag. kahit saan, potek. obvious naman diba, sa huling dalawang entry ko dito eh sinisigaw na ng mga lamang-loob ko na gusto ko nang magbaksyon. as in gusto ko na talaga. ay, ngayong biyernes pala ay gagala rin ako. tapos sa sabado. yahoo! hanggang thursday pa ksi ang exams ko. kada araw, isang exam. potek, pinapatagal pa kasi eh. pwede namang isang bagsakan na lang. kakayanin naman eh. matapos lang.
sana maraming plano para gumala. kahit sa malapitan lang, ayos na. overnight, malling, o kahit ano pa. tutal naman, maraming sasama. diba?
No comments:
Post a Comment