Wednesday, March 9, 2011

Pakialam mo?

Alam ko naman kung saan ako lulugar. Alam ko naman kung hanggang saan lang ako. Pero sana naman, huwag mong pakialaman ang mga bagay na nagpapasaya sa'kin.

Sinisira ko ba pagkatao mo? O baka naiinis ka lang kasi hindi lang sa'yo nakafocus yung tao?Naiintindihan ko naman yung nararamdaman mo, alam ko namang nasasaktan ka sa mga ginagawa ko. Pero yung mga ginagawa kong yun eh ikasisiya ng buhay at kaluluwa ko. Nagiging selfish na ako, alam ko naman yun. Eh pero masaya ako ih. Masaya akong ginagawa ang mga bagay na yun. And I admit, I know at the back of my mind, sa kasiyahan at kaligayahan ko eh may natatapakan akong tao. Pasenshahan na lang. Wala kasi akong pakialam sa'yo. So, walang pakialamanan, ha?

I'm sorry. That's all I can say. Alam ko namang hindi mo rin tatanggapin yung apology ko. But at least, I said sorry. Mali ako eh. Alam ko yun, aminado ako.

Obvious naman na sa Facebook mo dinadaan lahat ng mga parinig mo sa'kin. Okay lang yun. Di ko papatulan. Karapatan mo rin namang magaganyan kahit papaano. Pero ako, idadaan ko nalang dito. Hindi ko alam kung malalaman mo rin itong blogspot ko through her. But I doubt it.

Anyway, thank you for extending your friendship as well. Bilib rin ako sa'yo honestly. No sarcasm. At hindi ko rin alam kung makakaramdam ba ako ng awa sa'yo, tuwa o inggit. Kasi kung alam mo lang, HINDI LANG AKO ANG MAY GUSTO NUN. Siya rin. Ewan ko lang kung ano yung mga nakukwento nya sa'yo at di ko rin alam kung ano pinagiiisip mo. Bahala ka na kung anong gusto mong isipin at iPost sa FB. Bahala ka na. Pasenshahan na lang at wala akong panahong patulan yung mga post mo. Sa iba ako maglalabas ng sama ng loob.

Again, I'm sorry. Pero wala akong maisip na dahilan para itigil ang kahibangan ko. Kung ako lang, hindi ko ititigil at wala akong balak itigil. I'm sorry. Pasenshahan na lang ha? And again, walang pakialamanan.

No comments:

Post a Comment