Daming nangyayari sa araw-araw na pamumuhay ko.
Andyan yung nagkatrabaho ulit ako, at binembang lang naman ako ni Ninang sa pagiging "calsener" (Dustin's Term) ko. Haaaaay. Ayaw niya akong mag-calsener. Hindi daw ako maggo-grow dun. Ano kayang grow gusto niya? Kidding.
Most often than not, bored na bored ako sa bahay. Since sa 21 pa ako magsisimulang mag-trabaho, medyo mahaba-haba pa ang itetengga ko sa bahay. Wala akong ginawa kundi kumain, matulog, mag-online. Haaaaay. Nakakaburyo sa bahay, swear.
Meron pa, highlight sa buhay ko. FB war. HAHAHAHA! Recently ay may isang nilalang na inaaway ako sa FB. Understandable, yes. Nagpipigil lang akong patulan. Kasi alam ko naman kung bakit siya nagkakaganun. Maaaring nasa lugar siyang maggagaganun at ako wala, pero maaari ring dumating ang panahong di ko na mapigilan at may magawa akong di kaaya-aya.
But, on a lighter note, I know that He has His reasons kung bakit ganun at kung bakit nangyayari ang mga bagay na yun. Gusto Niya lang akong magng stronger person. I know, I'm already becoming one. Haaaay.
This another day in my life. Making me stronger, independent, and loved. At the end of the day, I know I have my family by my side, my friends, at mga taong nagmamahal sa akin. Kapit lang, sabay-sabay nating harapin ang kinabukasan ng may ngiti, kasama ang isa't-isa :D
No comments:
Post a Comment