binagyo kami ng bonggang bongga nung sabado. daming nawalan ng bahay, yung iba pinasok ng tubig at putik yung bahay nila. maswerte pa rin kami. pinasok ng tubig yung bahay namin pero hanggang talampakan lang naman. yakang yaka.
nawalan kami ng kuryente, nawalan kami ng tubig. ang hirap. namimigay na kami ng mga damit at pagkain sa mga unfortunate people. thank god hindi kami masyadong naapektuhan.
naawa ako sa nanay ko dahil nakisakay sya sa dumptruck para lang makalagpas sa tulay na hanggang leeg ang tubig. i never imagine my mother riding on a dumptruck. but, she did. for her to be home. yhank god she's safe. same goes to my brother. nakisakay rin siya sa dumptruck. mas nakakaawa kapati ko. 10:30 dismissed na sila, sumakay agad siya ng bus pauwi. hindi daw talaga umuusad yung bus. 7:00 pm siya nakababa ng bus. from ever commonwealth, nilakad niya hanggang batasan. and then, from batasan, tricycle tapos lakad na naman ulit. tinext ko na nga yung kapatid ko na sa bus na lang sila mag-stay. pero ayaw niya. "gusto kong umuwi" ang sabi nya. di ko na siya kinontra. past 9 na siya nakauwi. from 10 am till 9pm, all i did was to pray. sobrang naawa ako sa kapatid ko. dami kong naiisip na kung ano-ano. di pa naman siya sanay, iniisip ko yung makakain niya, chaka kung safe yung dadaanan nya pauwi. first time nyang naranasan toh, grabeh. that's why i really thanked God at nakauwi ang kapatid ko ng safe.
sa inyong lahat, take good care. lalo pa ngayon na may paparating na naman na bagong bagyo, be preapared. and always always pray. hindi naman tayo papabayaan ni Bro eh ;)
No comments:
Post a Comment