
ngayong maulan ang panahon, malamig, kailangan mo ng pampainit ng katawan. oopps, hindi yan katulad ng iniicp mo ha. at sawa na rin kasi ako sa kape. since nakakita naman ako ng Absolut Vodka sa ref ni ninang, inubos ku na. konti na lang naman eh. at ipinagpaalam ko naman yan. haha. nakakalungkot nga lang, wala akong kasama. si dustin kasi, ayaw pumunta dito kola ninang. nahihiya pa ang gago. hahaha!!
masarap naman ang Absolut Kurant flavor. hindi mo na kailangang haluan ng soda water o ng sprite. kahit puro mong inumin, ayos lang. kung may abilidad kang i-separate ang kurant flavor sa vodka mismo, maaalala mo ang Fox's candy na yung kulay violet. yun ang lasa nia. kaya nga lang, may kasamang vodka, kaya mejo kakaiba na ang lasa. masarap siya talaga. mahal nga lang. buti na lang at afford ni ninang ang mga ganitong klase ng alak. tiba-tiba ako nito. pero nararamdaman ko na rin ang recession. kasi, nakakita ako ng The Bar Vodka sa cabinet ni ninang. tsktsk. pati yun pinapatos na nia. hahaha!
ayun lang. halata talagang wala lang akong magawa. at since andito ako kila ninang na 24/7 ang net, pwedeng pwede akong magpost ng kahit na limang blog sa isang araw.
No comments:
Post a Comment