Friday, June 5, 2009

inis. ulan. lamig.

naiinis ako.

hindi ko maayos itong pesteng blog ko. alam kong wala akong alam sa pagaayos nito. mageexperimento lang. bahala na kung paano ko maiiaayos to. at jusmio, alas-kwatro ng umaga ako nagaayos nitong blog. gusto ko sanang magpatulong kay jhen. hindi ko alam kung gising na sya o patulog pa lang siya. bahala na. sana lang maayos ko toh. gudluck.

umuulan.

dapa uuwi na ako sa san mateo ngayog araw na to. kaya lang, napakalakas ng ulan. super! natatakot akong bumyahe. baka walang operation ang mrt. pero naririnig at nakikita ko ang mga papaalis na eroplano. naisip ko, kung ang eroplano nga na kalaban ang matinding ulan at hangin, mrt pa kaya na sa lupa lang naman? haay, bahala na ulit. natatakot ako, siyeet.

ang lamig.

heto't umuulan na, pero itong si johanne, bonggang bonggang electric an ang nakatapat sa kanya. nakabukas pa yung aircon sa kwarto nia. takte, namamaluktot na ako sa lamig. maya't maya, nagpupunta akong cr. di ako makatulog ng maayos. haay. ayoko pa naman sa lahat, yung super bagyo. tipong any minute, magbbrown out. ayoko yun, bastusan. hahaha!! kung uulan man, yung tama lang. tipong pwede ka pang pumunta sa pinaka malapit na tindahan para bumili ng kung anong gusto mo. eh pucha, sa lakas ng hangin, hindi uubra ang payong ko neto eh. hahaha. pati sa magtataho, hindi makapagbenta. pano, yung tinitinda niyang taho, malamig na. dami talagang napeperwisyo ng ulan. haay.

No comments:

Post a Comment