I've known him since I was thirteen. We didn't start as real good friends (kasi naalala ko, nag-away pa kami nung isa kong friend dahil sa kanya.) Kahit nung naging magka-klase na kami nung 2nd year highschool, di talaga kami nag-uusap niyan. Although, everyday kaming magka-text. Weird nuh? Parang I can tell him everything through text, pero in person, di kami nag-uusap. 'Awkward' moment kasi sa'kin yung time na yun. Andun yung nagkakatuksuhan, mga crush issues, and ilap ako sa mga ganun. Eh nalaman ko na may crush siya sa'kin, kaya ayun, iwas ako sa kanya. (Ganda ko noh?)
Then we were able to settle things at we started talking (na hindi ko na matandaan kung kelan.) Basta, nagsimula na kaming mag-usap, and naging comfortable na kami sa isa't-isa. Until one day, he called me his 'soulmate' because of a simple reason -- binisita niya ako sa bahay and we're wearing the same COLOR ng shirt. That was Orange. Mas naging close pa kami. Ayokong mag-assume pero I felt na we have something during those time na we didn't deny nor confirm.
And then, nawala. Hindi kami nag-kita for 3 consecutive years. Walang balita, walang communication. I don't even know kung dun pa rin siya nakatira. Kahit yung mga barkada niyang boys, wala na ring ballita sa kanya.
Until nagkita kami sa birthday celebration ng common friend namin. After three years, nakita ko na ulit siya. Tumaba na siya, pero the same person that I know. Na-miss ko siya ng sobra. Kulang na kulang yung gabing yun for us to catch things up. Little did I know na yun na ulit yung huling gabing makikita. After that, wala na namang communication. WALA.
I miss you muchmuch 'tol. And, HAPPY BIRTHDAY! <3
Love,
LittleNikki

No comments:
Post a Comment