Tatlong bagay:
UNA.
Malaki ang nakuha kong sweldo nung nakaraan. Oo. Malaki talaga. Kaya ako nakabili ng laptop para sa sarili ko. Matagal ko na talagang gustong bumili ng laptop. Oo, nakakapag-ipon na ako, pero ayoko sana siyang galawin para lang sa laptop. Bilang may bonus ako galing sa ACN dahil mataas ang nakuha kong rating sa trabaho, sumweldo ako ng malaki at nabili ko na rin ang minimithi kong laptop.
PANGALAWA.
Nung March 21, isang taon na ako sa ACN. Yes, nakatagal ako ng isang taon. Ang bilis ng panahon! Ang saya lang. Yun nga lang, di ko alam kung makaka-tagal ako ng isa pang taon. Sana lang. SANA. Pero di ko pa muna iniisip yun sa ngayon. Let's take it one step at a time. I WILL TAKE IT ONE STEP AT A TIME. :)
PANGATLO.
Yung naibibigay ko na yung mga gusto ng pamilya ko at nagagawa ko na yung mga bagay na gusto ko dahil sa trabaho ko. Kaya na naming mabili kahit ano. Ang sarap sa pakiramdam. Pagkain, damit, kahit ano! Pwede na. Gusto ko yung ganito. At sisiguraduhin kong palagi na lang ganito. :))
No comments:
Post a Comment