simula nung lumipat sila ninang sa cityhomes, every new year for me is exciting. unlike before. unang una, dalawang pamilya sa angkan namin, nasa isang subdivision lang. so, mas okay yun. pangalawa, every new year, yung katapat na bahay nila ninang, laging may magagandang fireworks display. e kapag malapit nang mag-12, uuwi kaming cityhomes para salubungin ang new year so napapanood namin yung fireworks display. and nagpapamigay sila ng pera. haha! nagpapaagaw ng coins, so it was fun.
nung unang new year nila ninang sa cityhomes, kami lang ang nakikinabang sa paagaw ng pera. as in kami kami lang magpipinsan. talagang siksikan sa pagkuha ng barya. walang pakialaman. matapakan ang kamay mo, mabatuhan ng barya sa ulo, ayos lang. basta ang goal mo, makapulot ka ng maraming barya. at, pipila ka sa tapat ng gate nila para mabigyan ka ng 20 peso at 10 peso bill. (yep, may 10 peso bill. and, until now. :D)
habang tumatagal, parami ng parami yung mga nakikiagaw ng barya at pumipila para sa mga bills. nung unang taon namin dun, minimum na ang makaipon ka ng 300 pesos sa lahat lahat ng perang nakuha mo. pero ngayong new year, mahina ang kita. marami nang nakikiagaw ng pera at mahaba na rin ang pila para sa mga bills. kung dati,minimum ang P300, ngayon swerte ka na lang kung makaipon ka pa ng P200 sa mga nakuha mo.
sobrang dami ng tao talaga kanina habang nagpupulot kami ng pera at pumipila para sa mga bills. dati, ayos lang magsingitan. as in kami kaming magpipinsan, nagsisingitan pa kami. ayos lang samin yun, sus. kami kami lang din naman nakikinabang. pero kanina, sus. kuntodo parinig. yung isa, may hawak pang stick panghampas sa mga sisingit. deym.
ngayon, may plano ulit kaming pumuntang EK. at, walang pera ang mga minamahal kong pinsan kaya matindi ang pangangailangan nila sa pera. kaya nga present lahat ng mga pinsan ko sa paagaw at sa pila. gaya nga ng sabi ko kanina, P200 na ang maximum :D
pero masaya naman. sobra. parang yun lagi ang hinihintay ng lahat. magaganda rin ang mga fireworks. (lagi naman eh..)
Happy new year everyone!!
Have a prosperous 2010..
-- Nyx :)
No comments:
Post a Comment