wala namang bago. haha. ganun pa rin ang mga bagay bagay sa akin. haggard. maraming iniisip. at wala na akong naiipon sa isang linggo. swerte na kung may mga natitirang mga barya sa coin purse ko. hahay. mahirap na talaga ang buhay ngayon. sobrang pagtitipid na ang kailangan kong gawin.
natutuwa ako kasi gabi na ako nakakauwi. matagal ko nang nakakasama ang Pak's sa araw araw, hindi tulad dati, putek alas tres pa lang umuuwi na ako. sa ngayon, mejo nakakapanibago, kasi di pa talaga ako sanay magpagabi, pero tinatry ko talaga para sa Pak's. kasi next sem, hindi ko na magagawa toh. may ojt na ako. kaya kailangan kong lubus lubusin ang bawat araw. kasi eto na lang ang una at huling sem na magpapagabi ako para sa kanila.
Pak's, sorry kung ngayon ko lang ginagawa ito. itong sem na to babawi talaga ako. kahit hanggang alas otso pa, go lang! kakayanin ko. hehehe. shet, ang drama ko na. hahaha! bumili nanga lang kayo ng panyo ko. ay, jtaj at G, salamat nga pala at bumili kayo. Josette at Mama, yung order mo ginagawa ko na. Kisel, oorder ka na ba? yung hindi pa nakakaorder, bumili na kayo. hahaha! tulong niyo na lang sa akin yun. hehehe. salamat :)
nasa UE pala kahapon si Artadi. mula sfc 315 hanngang dun sa office ni sir igme, tinakbo ko para puntahan si shai. tapos mula dun sa office hanggang 315, tinakbo ulit namin. haha kapagod. pero ayos lang, nakita naman ni shai si papa paul niya. hehehe.
ang haba na ng blog ko. kitakits sa lunes! hoy josette, yung music video ng nobody! :)
No comments:
Post a Comment