Tuesday, February 24, 2009

sakit

ang samang ng pakiramdam ko..

nung una, nagpabunot ako ng ngipin. eh di okay na, kasi ndi na sumasakit yung ngipin ko. at bago pa ako magprepare para pumunta kila glenn the next day, bumuka ng bonggang bongga yung bagang ko. eh di balik na naman kaming dentista ni mama. ang tagal! sobra. daming nakapila. 4pm ako nagpunta dun, 4:45 na ako naasikaso. hindi na rin ako nakapunta kila glenn.

nung linggo, ubo't sipon ang inabot ko. ewan ko kung bakit. well, may ubo naman na talaga ako. feeling ko nga pagaling na ako eh. tapos sipon naman. kinagabihan, nilagnat na ako. peste.

ang pinakaayaw ko pa sa lahat, ang dami kong iniinom na gamot. merong gamot para sa ngipin, sa ubo, sa sipon at sa lagnat. kainis! ang hirap lunukin lahat nun ah. di pa ako makabangon sa kama

kaya ndi ako nakapasok ngayong araw. tapos eto, inutusan pa akong mag-type ng tatay ko. ayos noh? nilalagnat na nga yung anak nya, nagawa pa nyang utusan. mahusay! buti ndi ako inutusang magluto ng uulamin namin ngayong gabi.

*badtrip*

No comments:

Post a Comment